Normal lang naman akong bata tulad din ng iba , wala naman ata akong pi nagkaiba sa mga batang minsan ding naglaro, nadapa pero tumatayo pa din ng hindi umiiyak. Minsan na din akong naging taya sa langit at lupa na nilalaro namin noon, sa tumbang preso na lata pa ng sardinas ang gamit, luksong tinik na minsan ay nasusundot pa ko kasi mahilig akong magmagaling, at ang pinakagusto kong laro "bahay-bahayan" hindi dahil sa pusong babae ako pero gusto ko kasi ako lagi ang ama tapos andami ko asawa haha nakakatawa talaga. Kumain na din ako ng pritos ring na nilalagay pa namin noon sa dulo ng daliri, ewan ko ba kung pano nauso yun pero nakiuso nadin ako kaysa naman ma "OP" ako no? Minsan pa nga pag natripan ko talaga kumakanta pa ko sa harap ng electric fan, pakiramdam ko kasi nagiging maganda ang boses ko pag ganun. Nakapanood na din pala ako noon ng dragon ball Z na si gokou pa ang bida hanep talaga ang cartoon na yun! all time favorite nga namin yun ng mga kalaro ko minsan ginagaya-gaya pa namin, nilalagayan namin ng gel yung buhok namin tsaka itataas para magmukhang super-sayan, naalala ko pa din yung Voltes five yung robot na parang lego nabubuo lang galing sa limang sasakyan, ginagaya din namin yun dati tapos kawayan ang gamit naming lazer sword at ang kalaban namin mga pusa. Tapos kapag araw naman ng mga patay parang pasko naman samin ng mga tropa ko yun, kasi doon kami nakakapanood ng mga horror movies na libre pa sa MGB o magandang gabi bayan, ang alam ko isa iyong balitaan na palabas na katumbas ng TV patrol ngayon, ewan ko ba kung bakit tuwing pista ng patay ay nagiging horror movies ang pinapalabas doon pero ayos na din kasi natutuwa ako kapag natatakot ako, naintindihan niyo ba? ah basta ganun ako eh. Mas masaya kapag magpapasko na lalo na sa simbang gabi, kasi parang hindi naman talaga pagsisimba ang habol namin noon kundit simbang tingin, tumitingin lang kasi kami at nagpapacute pag may mga seksing dumaraan sa harap namin. Masaya din kapag Noche Buena, kasi napakaraming pagkain tapos andami din regalong binubuksan dati nga may nagregalo sakin ng walkman at ansaya-saya ko na noon kasi ako lang ay may ganun sa lugar namin at syempre mahilig akong magpasikat kaya inggit na inggit sila sakin. Araw na ng bagong taon yipee! isa ito sa pinakamasayang araw din sakin kasi pinapayagan ako na magpaputok ng fivestar, kaso ayaw ko na ulitin yun minsan na kasi akong naputukan nun at ansakit buti na lang di ako nabawasan ng daliri. Haixt june na naman araw na ng pasukan pero sa totoo lang excited ako pag sa mga unang lingo ng pasukan kasi syempre pasikatan time na naman pero kapag medyo kalagitnaan na ng grading period nakakatamad na panu kasi dami ginagawa, pero kahit tamad ako lagi din naman ako nasasama sa top 10 at nung 4th year nga ako naging top 3 pa ko kaya antaas ng tingin ko sa sarili ko (feeling pinakamatalino sa buong mundo).
Nang ako ay makatuntong naman ng hayskul, hindi padin ako nagbabago asal bata padin ako. Minsan nga ay naglalaro pa din kami ng taya-tayaan sa loob pa mismo ng klase. Dito na din ako nung hayskul natutong manligaw "Chickboy" pa nga ang codeneym sakin, eh kasi naman mahiyain ako lalo na pagdating sa mga crush, di ko talaga kayang makipagtitigan kapag may crush ako. Natatandaan ko pa yung una akong nag ka "syota" (as in short time) eh isang araw ko lang niligawan sa cellphone pa pero pagkalipas ng isang linggo break agad haha wala lang hindi pa naman ganun ka matured ang isip ko para mag-emo. Basta noong mga panahong iyon parang naging hobby ko yung manligaw minsan nga eh kahit may sumagot na sakin nun ay nanliligaw pa din ako kaya ang resulta, hayun mag-asawang sampal ang inabot ko. Lalong naging maangas siguro ko noong nagkaroon ako ng banda at nagkataong nanalo pa kami sa "battle of the bands" sa aming paaralan. Tuloy halos lingo-lingo mayroon akong syota. Pero pagtuntong ko ng 4th yr, dito na medyo naging seryoso ako hindi lang sa pag-aaral kundi pati na sa ugali ko. Paunti-unti pinipigilan ko ang sarili ko. Hanggang sa pagtuntong ko na ng college ay naging stick to one na ako sa girlfriend ko ngayon at nawala na din ang bandang sinalihan ko dati panu kasi pulos masasama lang ang nakuha ko sa mga tropa ko dun pero masaya ding memories yun sakin kasi doon ko naramdaman ang pag-ibig ng mga kaibigan na hindi ko naramdaman sa papa ko.
At noong maghahanap na ko ng unibersidad na mapapasukan napakakampante ko kasi nga feeling ko ako na lang ang matalino kaya ng nag take ako ng exam sa U.P di na ko nag take sa iba pang unibersidad kundi doon lang kaya ayun bumagsak ako pero point 2 nalang naman eh pasado na, kung pede lang sana magmakaawa na isama na ko sa mga pumasa hayz sayang talaga. Pero sa tingin ko ang Diyos na din ang gumawa ng paraan para bumagsak ako pero hindi bilang ganti sa akin kundit para malaman ko ang pagkakamali ko. Kaya sumubok na ako mag-exam muli at dito ako napadpad sa PNU. Hanggang sa ayon pumasa naman ako at napag-alaman ko din na edukayon ang hinahasa nilang kurso dito. At nang makapasok na ako dito ay may problema pa din pala. Kasi dalawang beses pala ang exam meron na nga sa entrance meron padin pagdating sa kurso o iyong imemedyor mo. Kaya pinili ko ang math kasi alam ko na ito talaga ang gusto ko kahit na mahirap kakayanin ko.
No comments:
Post a Comment